Reporter, Pulis patay sa Drug raid
Page 1 of 1 • Share •
Reporter, Pulis patay sa Drug raid
(JB Salarzon/Irwin Corpuz) | |
Patay ang isang tabloid reporter at isang pulis sa naganap na illegal-drugs raid sa isang pinaghihinalaang drug den sa San Vener Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana sa Taytay, Rizal kahapon ng madaling-araw. Sa panayam sa telepono, sinabi ni Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) police director Chief Supt. Perfecto Pa­lad na namatayan din ng isa ang pinaghihinalaang grupo ng mga drug pushers na nakasagupa ng mga pulis. Pero aniya, nadala ng grupo ang kanilang patay sa kanilang pagtakas. “Nadala ng grupo ang kanilang patay while getting out of the place,” ani Palad. Kinilala ni Palad ang nasawing reporter na si Jojo Trajano ng tabloid na Remate na tinamaan ng bala sa tagiliran at tiyan at idineklarang dead on arrival sa Manila East Me­dical Center. Dead on arrival din sa nasabing ospital si PO2 Virgilio Dela Cruz na tinamaan ng 3 bala sa ulo at katawan. Naganap ang pagsa­lakay sa pinaghihinalaang drug den dakong alas-dos ng umaga sa pamumuno ni Capt. Aristotle Doble, hepe ng Special Operations Group ng Rizal Police Provincial Office. Sa likod ng sinalakay na lugar ay floodway na sinubukan umanong ga­wing escape route ng mga drug pushers pero binakbakan sila ng mga nakaabang na pulis. “Ang grupong nakasagupa ng ating mga pulis ay isang sindikato ng droga na karamihang miyembro nito ay mga Muslim. Ang grupo ring ito ang nakasagupa ng ating mga pulis noong nakaraang taon sa lugar ding iyon kung saan namatayan tayo ng dalawang pulis,” ani Palad. |
Re: Reporter, Pulis patay sa Drug raid
tsk ! tsk ! mahirap na trabaho talaga ang reporter o journalist .talagang nakasalang ang buhay mo kay kamatayan lagi. gaya nyan , nadale na naman ang isang matinong reporter tsK tsk ! oh pilipinas ,lupang hinirang ,kelan ka pa magbabago ? 


jeff

-
Age: 24
Job/hobbies: machine operator
Mood:
Humor/motto: wag kang maangas
Number of posts: 879
warning:



Reg. date: 2008-07-15
Re: Reporter, Pulis patay sa Drug raid
jeff wrote:tsk ! tsk ! mahirap na trabaho talaga ang reporter o journalist .talagang nakasalang ang buhay mo kay kamatayan lagi. gaya nyan , nadale na naman ang isang matinong reporter tsK tsk ! oh pilipinas ,lupang hinirang ,kelan ka pa magbabago ?
its not new anyway.lumang tugtugin na ang ganitong news pareng jepoy (nasaan ka man bat di ka nagpaparamdam)


sutil

-
Age: 25
Job/hobbies: delivery man
Humor/motto: tama na yung simple lang
Number of posts: 803
warning:



Reg. date: 2008-07-15
Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum








